Guterres, ikinalugod ang nagkakaisang panawagan para sa kapayapaan sa Ukraine

2022-05-07 16:31:28  CMG
Share with:

Sa isang pahayag kahapon, Mayo 6, 2022, malugod na tinanggap ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations, ang buong pagkakaisang panawagan ng UN Security Council (UNSC) para sa kapayapaan sa Ukraine.

 

Ayon sa pahayag nang araw ring iyon ng UNSC, ayon sa Karta ng UN, ang lahat ng miyembro ng UN ay may obligasyong lutasin ang pandaigdigang alitan sa pamamagitan ng mapayapaang paraan.

 

Buong lakas na sinusuportahan ng UNSC ang pagsisikap ni Guterres para hanapin ang mapayapang kalutasan sa isyu ng Ukraine.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac