Sinabi nitong Huwebes, Abril 28, 2022 ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na pasusulungin ng UN ang komprehensibong tigil-putukan sa Ukraine at ipagkakaloob ang makataong tulong sa Ukraine.
Nang araw ring iyon, nagtagpo sa Kyiv sina Guterres at Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine. Tinalakay nila ang mga isyu na gaya ng paglilikas ng mga mamamayan mula sa Mariupol, pagdaragdag ng UN ng mga makataong tulong sa Ukraine, paglahok ng UN sa rekonstruksyon ng Ukraine at pag-aalis ng blockade ng Rusya sa mga pwerto ng Ukraine.