Pamahalaang sentral ng Tsina, bumati sa pagwawagi ni John Lee sa halalan ng punong ehektibo ng HKSAR

2022-05-09 15:42:48  CMG
Share with:

Ipinahayag Mayo 8, 2022 ng Liaison Office ng Pamahalaang Sentral ng Tsina sa Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) at Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga suliranin ng Hong Kong at Macao ang pagbati kay John Lee sa kanyang pagwawagi sa halalan para sa ika-6 na termino ng punong ehektibo ng HKSAR.

 


Ayon pa rin sa naturang dalawang organo, ang maayos na pagdaraos ng nabanggit na halalan ay isa pang tagumpay ng praktika sa pag-unlad ng demokrasya na angkop sa katangian ng Hong Kong.

 

Ipinakikita rin nitong, ang bagong sistema ng halalan ng Hong Kong ay isang magandang sistema na angkop sa prinsipyo ng patakarang Isang Bansa, Dalawang Sistema at aktuwal na kalagayan ng Hong Kong, dagdag ng mga organo.