Ipinahayag nitong Huwebes, Abril 21, 2022 ng Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ng Tsina (HKSAR) ang matinding pagtutol sa pagsarado ng Google company sa Youtube account ni John Lee, kandidato ng ika-6 na halalan ng punong ehekutibo ng HKSAR.
Ayon sa pahayag ng Google company, ang pagsarado ng account ni Lee ay alinsunod sa batas ng Amerika hinggil sa sangsyon sa mga opisyal ng HK.
Ipinahayag ng nasabing Tagapagsalita na ang naturang aksyon ng Google company ay nakapinsala sa kalayaan ng pananalita at pagkalat ng impormasyon, at kaayusang makatwiran at makatarungan sa internet.
Ito aniya ay nagsisilbing pakikialam sa mga suliraning panloob ng Hong Kong at humahadlang sa normal na proseso ng halalan ng punong ehektibo ng HKSAR.
Tinukoy din ng Tagapagsalita na ang di-umano’y sangsyon ng Amerika ay direktang nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Salin: Ernest
Pulido: Mac