Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., nangunguna sa bilangan sa halalang pampanguluhan ng Pilipinas

2022-05-10 11:21:55  CMG
Share with:

Ayon sa partial and unofficial results ng COMELEC nitong Mayo 10, 2022 (10:41am), mula sa 96.82% ng mga presinto, patuloy na nangunguna si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas, sa halalang pampanguluhan ng bansa. Si Marcos Jr. ay may 30,710,158 na boto. Samantalang ang kasunod nito ang kalabang si Leni Robrero na may 14,654,701 na boto.

 

Bukod pa riyan, malaki rin ang lamang ng kanyang running mate na si Sara Duterte-Carpio sa halalan ng pangalawang pangulo. Nakuha nito ang 31,108,575 boto. Si Kiko Pangilinan naman ay pumapangalawa na may botong 9,126,277.

Idinaos nitong Lunes, Mayo 9 ang lokal at pambansang halalan upang ihalal ang bagong pangulo, pangalawang pangulo, senador at kongresista, at mga opisyal sa iba’t-ibang lugar ng bansa.

 

Ayon sa konstitusyon ng Pilipinas, 6 taon ang termino ng pangulo at di pwedeng tumakbo para sa ikalawang termino.


Salin: Lito

Pulido: Mac