Nagsimula Lunes ng umaga, Mayo 9, 2022 ang botohan para sa pambansa at lokal na halalan ng Pilipinas.
Inaasahang boboto ang mahigit 65.7 milyong botante sa 37, 211 presinto sa buong bansa, upang ihalal ang bagong pangulo, pangalawang pangulo, senador at kongresista, at mga lokal na opisyal.
Matatapos ang botohan ganap na alas siyete ng gabi.
Tinataya namang ilalabas ang inisyal na resulta ng halalan bukas ng madaling araw.
Salin: Vera
Pulido: Rhio