Tsina nanawagang pasulungin ang kooperasyon ng pag-unlad ng buong daigdig

2022-05-10 17:05:02  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati na binigkas nitong Mayo 9, 2022, sa seremoniya ng pagbubukas ng virtual meeting sa mataas na antas ng Group of Friends of the Global Development Initiative (GDI), ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang GDI na inilunsad nitong Setyembre 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay naglalayong akitin ang pagpapahalaga ng komunidad ng daigdig sa isyu ng pag-unlad, palakasin ang relasyon ng partnership ng pag-unlad ng buong daigdig, pasulungin ang internasyonal na kooperasyon, at idulot ang bagong puwersang tagapagpasulong para sa pagsasakatuparan ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development.

 

Bukod dito, binigyan-diin ni Wang na isasagawa ng Tsina ang isang serye ng aktuwal na hakbangin para pasulungin ang pagsasakatuparan ng GDI.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac