Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Mayo 10, 2022, kay Emmanuel Macron, Pangulo ng Pransya, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat igalang ng Tsina at Pransya ang nukleong kapakanan at pagkabahala ng isa’t isa.
Ani Xi, dapat mahigpit na magkooperasyunan ang dalawang bansa sa bilateral na relasyon, Tsina at Europa, buong mundo at iba pang antas.
Umaasa aniya ang Tsina na pasusulungin ng Pransya ang paggigiit ng Unyong Europeo (EU) ng tumpak na kaalaman sa Tsina, maayos na hahawakan ang pagkakaiba, at palalalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa kabuhayan at kalakalan, digital, kultura at iba pang larangan batay sa komong kapakanan, dagdag ni Xi.
Ipinahayag naman ni Macron na sa loob ng darating na 5 taon, nakahanda ang Pransya na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa agrikultura, inobasyon, sibilyang enerhiyang nuklear at iba pang larangan, palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa pagharap ng pagbabago ng klima, pangangalaga sa biodiversity, para pasulungin ang pagtatamo ng relasyong Pranses-Sino ng mas maraming bunga.
Bukod dito, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider hinggil sa kalagayan ng Ukraine, at buong pagkakaisa nilang ipinalalagay na dapat suportahan ang pagpapanumbalik ng kapayapaan ng Rusya at Ukraine sa pamamagitan ng talastasan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac