Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bumati kay Macron sa kanyang muling panunungkulan bilang Pangulo ng Pransya

2022-04-26 16:59:24  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng tawag sa telepono, ipinaabot kahapon, Abril 25, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pagbati kay Emmanuel Macron, sa kanyang muling panunungkulan bilang Pangulo ng Pransya.

 

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina (file photo)


Tinukoy ni Xi na nitong nakaraang 5 taon, sa magkakasamang pamumuno ng lider ng Tsina at Pransya, patuloy na pinapaunlad ang komprehensibong partnership ng dalawang bansa sa mataas na antas, na nagdulot ng bagong puwersang tagapagpasulong para sa relasyon ng Tsina at Europa, at nagbigay rin ng bagong ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng buong daigdig.

 

Binigyan-diin ni Xi na masalimuot ang kasalukuyang pandaigdigang kalagayan. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Pransya, para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng Tsina at Pransya at buong daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac