Ipinahayag nitong Mayo 12, 2022, ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo (MOC) ng Tsina, na mula noong Enero hanggang Abril, umabot sa 478.61 bilyong yuan RMB ang pondong dayuhan na aktuwal na ginamit ng buong bansa, na lumaki ng 20.5% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
185 ang bilang ng karagdagang malalaking proyekto na may mahigit US$100 milyong na kinontratang halaga ng puhunang dayuhan, na katumbas ng pagsasakatuparan ng 1.5 malalaking proyekto ng puhunang dayuhan bawat araw, ani Shu.
Bukod dito, mula noong Enero hanggang Abril 2022, lumaki ng 45.6% ang pagpasok sa industriya ng hi-tech ng puhunang dayuhan, na 25.1 na porsyento na mas mataas kaysa karaniwang paglaki.
Ang matatag na malalaking proyekto ay katangian ng pag-akit ng Tsina ng puhunang dayuhan nitong taong 2022.
Sa pamamagitan ng pagsisikap, nababawasan ang epekto ng pandemiya ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar ng Tsina. Mainam ang pagdating sa Tsina ng mga puhunang dayuhan mula sa iba’t ibang transnasyonal na kompanyang kinabibilangan ng Volkswagen ng Alemanya, Posco ng South Korea, Costco ng Amerika, Hitachi ng Hapon, na malakas na nagdudulot ng mabilis na paglaki ng puhunang dayuhan sa Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Mac