Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Timog Korea, nag-usap

2022-05-17 14:40:29  CMG
Share with:

Nag-usap nitong Lunes, Mayo 16, 2022 sa pamamagitan ng video sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Park Jin, Ministrong Panlabas ng Timog Korea.


Ipinahayag ni Wang na nitong 30 taong nakalipas mula nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Korea, natamo ang malaking progreso ng bilateral na relasyon. Sinabi ni Wang na dapat pahalagahan at patingkarin ang mga karanasan mula dito.


Kaugnay ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, ipinahayag ni Wang na dapat pahigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan ng dalawang bansa sa iba’t ibang antas. Sinabi pa ni Wang na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang mga aktuwal na kooperasyon sa mga larangan na gaya ng industry chain at kultura.


Ipinahayag ni Park Jin na lubos na pinahahalagahan ng Timog Korea ang relasyon sa Tsina. Sinabi pa niyang palagiang umaayon ang kanyang bansa sa patakarang Isang Tsina at hinahangaan ang konstruktibong papel ng Tsina sa isyu ng Korean Peninsula.


Salin: Ernest

Pulido: Mac