Pararangalan sa darating na Hunyo 10, 2022 ang 11 indibidwal na kabilang sa 2022 Awards for Promoting Philippines-China Understanding.
Ang yumaong si Kagalang-galang Jose Santiago Sta. Romana, ay bibigyan ng Gawad Sultan Paduka Pahala, isang Special Award.
Hall of Fame naman sina dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at dating Ambassador Francisco Benedicto na naitalaga sa Tsina mula Pebrero 2010 hanggang Abril 2011.
Para sa Outstanding Contributions kabilang sa awardess sina Wilson Lee Flores, Honorary Chairman ng Anvil Business Club at Moderator ng Pandesal Forum, Rodrigo Kapunan, Manila Standard Columnist, Mauro Gia Samonte, Manila Times Columnist, Princess Jacel Kiram, Co-Founder and President ng International Center for Peace, Reconciliation and Development.
Samantala kasali sa mga pararangalan para sa kategoryang Major Contributions sina Paul Gutierrez, Kalihim ng National Press Club at Columnist/Reporter ng People’s Journal, Professor Cavin Franco Pamintuan, Philippine Director ng Confucius Institute ng Angeles University Foundation, Professor Celso Cainglet, Senior Lecturer sa Unibersidad ng Pilipinas Visayas, at April Marie Dayap, Chief ng Davao City Investment and Promotion Center.
Ang taunang pagkilala ay inilunsad noong 2021 ng Association for Philippines-China Understanding (APCU) at ang Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas. Ang gawad ay nagbibigay pugay sa mga ambag upang palakasin ang ugnayan at isulong ang mutwal na pag-uunawaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng kahusayan sa mga larangan ng Mass Media, Serbisyo Publiko, Kalakalan at Komersyo, Sining, Kultura at Agham.
Mahigpit na pinili at sinala ang mga gagawaran ng parangal sa taong ito.
Ulat: Machelle Ramos
Patnugot sa website: Jade