US$ 200,000, kaloob ng Tsina sa mga Pilipinong apektado ng bagyong Agaton

2022-04-20 09:33:22  CMG
Share with:


Upang matulungan ang mga Pilipinong nasalanta ng bagyong Agaton, nagkaloob ang pamahalaang Tsino ng tulong-salapi na nagkakahalaga ng US$ 200,000 (mga 10.2 milyong piso).  

 

Ito ang ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas sa kanyang social media account nitong Lunes, Abril 18, 2022.

 

Ani Huang, ang puso ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ay nakikidalamhati sa mga pamilyang Pilipino na biktima ni Agaton. Umaasa ang panig Tsino na makakaraos ang lahat ng mga apektadong Pilipino sa kahirapan at pagsubok at muling maitatayo ang kanilang tahanan sa lalong madaling panahon.

 

Nitong nagdaang Linggo, Abril 17, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pananalasa ng bagyong Agaton. Nang araw ring iyon, ipinaabot din ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang katulad na mensahe kay Kalihim Teodoro Locsin Jr. ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA).

 

Salin/Patnugot: Jade

Pulido: Mac