Bagong-tuklas na relikyang kultural sa Guho ng Sanxingdui, mukhang robot na aso

2022-05-18 15:09:32  CMG
Share with:

Sa okasyon ng International Museum Day, itinatanghal sa Museo ng Yibin, Lalawigang Sichuan ng Tsina ang mga bagong-tuklas na kultural na relikyang gawa sa tanso mula sa Guho ng Sanxingdui.

 

Kabilang dito, nakakatawag ngayon ng pansin ng mga netizen ang anyo ng isang relikya.

 


May habang 28.5 sentimetro, taas na 26.4 sentimetro, at lapad na 23 sentimetro, ang nasabing relikya ay hitsurang modernong robot na aso.

 


Bukod diyan, kilalang-kilala rin ang Sanxingdui sa ibang mga kultural na relikyang tanso na may katulad na anyo sa modernong panahon, na gaya ng angry bird, Ultraman, at manibela.

 


Nagiging mas kaakit-akit ang mga relikyang pangkultura, dahil sa ganitong similaridad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio