Mga nakatutuwang museo sa buong mundo

2022-05-18 16:51:57  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng mga katangi-katanging paraan, maraming museo ang nakaka-akit ng pansin ng publiko.

 

Kasabay ng pagdiriwang ngayong araw, Mayo 18, 2022 ng International Museum Day, hayaan ninyong dalhin namin kayo sa 7 nakatutuwang museo sa buong mundo.

 

Museo ng Tsokolate, Turkey

 


Ang mga likhang-sining dito ay yari ng tsokolate, at lahat ay mga ma-alamat na personahe at kilalang tourist spot sa Turkey at daigdig.

 

Museo ng Amoy, Tsina

 


Iba’t iba ang tema ng mga nakatanghal dito, na gaya ng kalikasan, kulay, konstelasyon, lunsod at iba pa.

 

Bukod diyan, sariwa, mabango o mabaho ang amoy ng mga ito.

 

Museo ng Instant Noodles, Hapon

 


Ito ay itinayo bilang paggunita sa tagapaglikha ng instant noodles na si Andō Momofuku.

 

Sa loob ng museo, mayroong isang teatro na hitsurang isang napakalaking cup noodles.

 

Maaari rin ditong magluto ng instant noodles.

 

Museo ng Alkantarilya, Pransya

 


Ang sistema ng alkantarilya ng Paris ay isang dakilang proyekto.

 

Ito rin ay siyang tanging sistema ng city sewage sa daigdig na bukas sa publiko.

 

Believe It or Not Museum, global chain

 


Itinatanghal dito ang maraming uri ng nakatutuwang koleksyon na kinolekta mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.

 

Nakatutuwa rin ang anyo ng museo.

 

Museo ng Nasirang Relasyon, Croatia

 


Ito ay may mahigit 1,000 donasyon mula sa mga bigo sa pag-ibig galing sa iba’t ibang lugar ng daigdig.

 

Sa tabi ng bawat aytem, mayroong mga titik na sinulat ng mga donor para ipaliwanag ang pinanggalingan at katuturan nito.

 

Sulabh International Museum of Toilets, India

 


Ito ang unang museo sa daigdig na may temang kultura ng palikuran.

 

Komprehensibong itinatanghal dito ang buong kasaysayan ng pagkakaroon ng palikuran at pag-unlad ng kultura at teknolohiya sa palikuran.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio