Para sa mga taong mahilig sa tropikal na prutas, hindi madaling mabili ang sariwang durian sa Tsina.
Ngunit sa pamamagitan ng Chinese flight, dumating kamakailan sa Nanning Wuxu International Airport, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina, ang isang pangkat ng durian mula sa Thailand.
Sapul nang magkabisa ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), ito ang kauna-unahang pagkakataong tinanggap ng Guangxi ang inangkat na prutas.
Ito ay palatandaan ng pormal na pagsasa-operasyon ng rutang panghimpapawid para sa pag-aangkat ng mga prutas ng mga bansang RCEP.
Makaraang pitasin ang nasabing mga durian sa Thailand, agarang inihatid ang mga ito sa pamamagitan ng eroplano, at sa pamamagitan ng fast channel, nakarating ang mga durian sa merkadong Tsino sa loob lamang ng isang araw.
Ito ay nagpupuno ng pangangailangan ng mga mamimiling Tsino sa mga de-kalidad na prutas.
Isang distribution site ng Durian sa Thailand
Siyempre, mahigpit na isinagawa ang proseso alinsunod sa regulasyon tulad ng pagbubukas ng kahon para sa pagsusuri, pagsisiyasat sa mga lisensya, at pagbalot at inspeksyon ng kuwarentina.
Ang mga ito ay hindi lamang nakakapagpasawira sa mga prutas, kundi naggagarantiya rin sa kalidad at kaligtasan.
Mga durian, binabalot ng mga trabahador sa isang pabrika sa Thailand.
Mga Thai durian sa isang supermarket sa Beijing.
Noong Setyembre 2021, matapos aprobahan ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, naitatag sa paliparan ng Nanjing ang lugar para sa mga ini-aangkat na prutas.
Noong Abril 1 ng kasalukuyang taon, inaprobahan ang pagsasagawa ng serbisyo ng pagsusuperbisa at pamamahala sa mga ini-aangkat na prutas sa nasabing lugar.
Ibig sabihin, makaraang pumasok ang mga prutas sa Guangxi, bukod sa mga land port, may isa pang karagdagang tsanel na panghimpapawid.
Ang nasabing designated port ay nakakatulong sa pag-oorganisa at paggagalugad ng mga sariwang produkto mula sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang mabuo ang logistics network kasama ng transportasyong panlupa, pandagat, at tren, na may pagkokomplemento ng bentahe.
Salin: Lito
Pulido: Rhio