Kagila-gilalas na mabituing himpapawid ng Xinjiang at Tibet

2022-05-19 16:00:28  CMG
Share with:

Bukod sa kaakit-akit na Disyerto ng Gobi at luntiang damuhan, matatagpuan din sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, ang mabituing himpapawid sa gabi.

 


Mula Mayo hanggang Oktubre ang pinakamagandang panahon para pagmasdan ang Milky Way mula sa Xinjiang, at masiglang masigla ang turismo ng lokalidad sa panahong ito.

 


Samantala, isa ring kilalang destinasyon ng mga tagahanga ng mabituing himpapawid ang Rehiyong Awtonomo ng Tibet.

 


Noong 2018, inilakip sa World List of Dark Sky Protected Areas ang China Conservation Area for Dark and Starry Sky sa Ngari at Nagchu ng Tibet.

 


Ito rin ang kauna-unahang pangkat ng dark sky conservation area sa Tsina na kinikilala ng organisasyong pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio