Ano ba ang tunay na anyo ng Xinjiang? Sagot, ibinigay ng kompanyang TESLA

2022-01-09 16:13:11  CMG
Share with:

Ano ba ang tunay na anyo ng Xinjiang? Sagot, ibinigay ng kompanyang TESLA_fororder_20220109Telsa1600

Ipinahayag kamakailan ng Tesla, kompanyang Amerikano, ang pormal na pagsasaoperasyon ng Tesla Center sa Urumqi, unang Tesla Center sa Xinjiang.

Kaugnay nito, sinabi ng isang trabahador ng Telsa China na ang Xinjiang ay parang langit ng self-driving tour.

Gustung-gusto aniya ng parami nang paraming tao ang paglalakbay sa Xinjiang.

Bunga nito, umuusbong ang pangangailangan ng pagbibili at serbisyo ng kotse sa lokalidad, at dahil sa napakaraming charging station sa Xinjiang, itinayo ang Tesla Center sa Urumqi, aniya pa.

Ngunit, ang hakbang ng Tesla ay inatake ng ilang politikong Amerikano.

Ipinahayag sa Twitter ni Marco Antonio Rubio, United States Senator, ang kanyang “galit.”

Binalaan din ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng White House, ang Telsa na kahaharapin nito ang grabeng panganib sa batas, reputasyon, at pagkawala ng kliyente.

Ang kanilang mga pananalita ay pawang may kaugnayan sa umano’y “Uyghur Forced Labor Prevention Act” na isinabatas kamakailan ng Amerika.

Sa pamamagitan nito, tinatangka ng ilang politikong Amerikano na pigilin ang pagpapalagayang pangkalakalan at pangnegosyo sa pagitan ng mga kompanyang Amerikano at Xinjiang.

Walang duda, ang naturang kilos ng Tesla ay sampal sa mukha ng ilang politikong Amerikano.

Ano ba ang tunay na anyo ng Xinjiang? Sagot, ibinigay ng kompanyang TESLA_fororder_20220109Telsa2600

Sa kabilang dako, malinaw na nabatid ng mga netizen kung bakit ginawa ng Tesla ang pagpili nito.

Ano ba ang tunay na anyo ng Xinjiang? Ibinigay ng Tesla ang sagot sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

Noong taong 2020, tinanggap ng Xinjiang ang 158 milyong person-time na manlalakbay.

Personal nilang nasilayan at naramdman ang tunay na pag-unlad ng Xinjiang.

Ngunit, ang ilang politikong Amerikano na puspusang nandudungis at nagluluto ng mga kasinunggalingan tungkol sa Xinjiang ay hindi pa nakakarating sa nasabing lugar.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method