Nagpaliltan ng mensaheng pambati ngayon araw, Mayo 20, 2022, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at kanyang counterpart na si Jose Ramos-Horta ng Timor-Leste, para sa ika-20 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng kasarinlan ng Timor-Leste at ika-20 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Timor-Leste, nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Horta, para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibong partnership ng dalawang bansa upang maging kapakipakinabang sa mga mamamayan ng dalawang panig.
Samantala, pinapurihan ni Pangulong Horta ang masusing papel na ginagampanan ng Tsina para pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Pinasalamatan niya ang malakas na suporta na ibinigay ng Tsina sa proseso ng pag-unlad ng Timor-Leste. Buong tatag na nagkakaisa ang Tsina at Timor-Leste para lalo pang pabutihin ang pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang panig.
Bukod dito, ipinaabot din sa araw na ito nina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Taur Matan Ruak ng Timor-Leste ang mensaheng pambati sa isa’t isa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac