Sa kanyang panayam sa media ng Belarus Mayo 22, 2022, ipinahayag ni Vladmir Medinsky, Presidential Aide ng Rusya at puno ng delegasyong pangnegosasyon ng Rusya, na hindi tumatanggi ang kanyang bansa sa talastasang pangkapayapaan sa Ukraine, na kinabibilangan ng talastasan sa pinakamataas na antas.
Sinabi pa niyang, kumpirmado ni Pangulong Vladmir Putin ang kahandaan ng Rusya sa pagdaraos ng talastasan sa pinakamatas na antas.
Pero binigyang diin ni Medinsky, na kapag magtatagpo ang mga lider ng Rusya at Ukraine, dapat magkaroon ng pagkakasundo, paglagda at pagpapatupad ng kasunduan, sa halip na pagpapakuha lamang ng litrato.
Samantala, ayon sa ulat Mayo 22 ng Ukrinform News Agency ng Ukraine, ipinahayag ni Mykhailo Podolyak, Presidential Adviser ng Ukraine na hindi sasang-ayunan ang kanyang bansa na magkaroon ng anumang kasunduang kumikilala sa pagkamkam ng Rusya sa teritoryo ng Ukraine.
Ang pag-urong lamang ng tropa ng Rusya mula sa Ukraine ang magdadala ng posibilidad ng pagpapanumbalik ng prosesong pangkayapaan, diin niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio