Rusya: Ukraine ang tumiwalag sa talastasan

2022-05-18 14:00:58  CMG
Share with:

Sinipi nitong Martes, Mayo 17, 2022 ng RIA Novosti ang pahayag ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na nagsasabing ang Ukraine ang aktuwal na tumiwalag sa proseso ng talastasan sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag ni Lavrov na ang negosyador ng Ukraine ay pinopondohan ng Amerika at Britanya at hindi umaasa ang naturang dalawang bansa na mararating ang mga komong palagay sa talastasan ng Ukraine at Rusya.

 

Aniya, layon nitong magdulot ng mas malaking kapinsalaan sa Rusya.

 

Ayon pa sa ulat nang araw ring iyon ng pambansang ahensya sa pagbabalita ng Ukraine, kinumpirma ng Tanggapang Pampanguluhan ng Ukraine na sa kasalukuyan, suspendido ang talastasan nila ng Rusya.


Salin: Ernest

Pulido: Mac