Ipinanganak noong Dekada 90 si Dagu, at game developer ang trabaho niya.
Gamit ang Artificial Intelligence (AI) technology, naibalik niya sa dating kalagayan ang mga video ng lumang Beijing nitong 100 taong nakalipas.
Pagkatapos ng restorasyon, buhay na ipinamamalas ng mga video ang tunay na pamumuhay ng lumang Beijing.
Ang paghahalo ng AI technology, mga lumang video at litrato ay nakapagpasigla sa imahenasyon ni Dagu, at nilikha niya ang mas maraming kamangha-manghang likhang-sining.
Gamit ang face enhancing technology, naibalik sa dating kondisyon ang palabas ng kilalang master ng Peking Opera na si Mei Lanfang.
Hangad ni Dagu na sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap, maglilingkod sa pang-araw-araw na pamumuhay ang AI.
Salin: Vera
Pulido: Mac