GII ng Tsina, tumaas sa ika-12 puwesto nitong sampung taong nakalipas

2022-05-25 10:55:51  CMG
Share with:

Mula noong taong 2012 hanggang 2022, inilagay sa unang puwersang tagapagpasulong ng Tsina ang inobasyon sa pagpapasulong ng kaunlaran.

 

Isinusulong ng inobasyon ang pag-unlad ng Tsina.

Tumaas sa 2.44% mula 1.91% ang proporsiyon ng pag-aaral, paggalugad, at laang-gugulin ng buong lipunan sa Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa.

 

China Space Station

Samantala, tumaas sa ika-12 mula ika-34 na puwesto ang ranggo ng Global Innovation Index (GII) ng Tsina, na naging tanging bansa sa daigdig na napapanatili ang sustenable at mabilis na pagtaas ng ranggo.

 

Nagsuri ang probe na Tianwen-1 sa Mars, lumapag ang Chang’e-5 sa buwan, at matagumpay na dumaong ang Shenzhou-13 Manned Spaceship at Tianhe Core Module. Nangangahulugan ang mga ito na nakuha ng Tsina ang napakalaking progreso sa pananaliksik at paggagalugad sa kalawakan.

 

Anhui, Tsina. Nagpapatrolya sa gabi ang robot sa mga instalasyon ng Smart Grid.

Bukod pa riyan, nakapasok sa sulong na hanay sa buong mundo ang mga teknolohiya ng Tsina na tulad ng super computer, high-express railway, smart grid, Generation IV nuclear power, at Ultra-high Voltage (UHV).

 

Salin: Lito

Pulido: Mac