Sa kanyang working report sa Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongreso ng Bayan (NPC) ng Tsina na binuksan umaga ng Sabado, Marso 5, 2022 sa Beijing, tinukoy ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na noong taong 2021, lumakas ang kakayahan ng bansa sa inobasyon
Sinabi ni Li na umunlad ng malaki ang mga gawaing pananaliksik sa mga nukleong teknolohiya at natamo ang bagong breakthrough sa mga larangan na gaya ng manned space program, survey sa Mars, paggagalugad ng mga yaman at industriya ng enerhiya.
Ayon sa salaysay, lumaki ng 15% ang gastusin sa pananaliksik at pagdedebelop ng mga bahay-kalakal noong 2021 kumpara sa taong 2020. At ang bahagdan ng paglaki ng value-added ng mga industriya ng high-tech manufacturing noong 2021 ay umabot sa 18.2% kumpara sa taong 2020.
Salin: Ernest
Pulido: Mac