Magkasanib na pahayag ng Amerika at Hapon na may kinalaman sa Tsina, mahigpit na tinututulan ng Tsina

2022-05-25 15:54:55  CMG
Share with:

Nitong Mayo 23, 2022 matapos ang pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hapon, inilabas nila ang magkasanib na pahayag na nagmanipula at bumatikos sa mga isyung may kinalaman sa Tsina.  

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Mayo 24, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang aksyong ito ng Amerika at Hapon ay tahasang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na normang gumagabay sa relasyong pandaigdig, nakapinsala sa soberanya, seguridad at pangkaunlarang interes ng Tsina.

 


Hindi ito ikinasisiya ng Tsina at mariing tinututulan ang mga ito. Isinampa na rin ang seryosong represantasyon kaugnay nito.

 

Bukod dito, hinimok ng Tsina ang Hapon na dapat tumahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at dapat maging maingat sa pananalita at hakbangin sa larangang militar at panseguridad, para maiwasang umulit ang nakaraang pagkakamali nito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac