Kooperasyon ng Amerika at Hapon, hindi dapat makapinsala sa Tsina

2022-05-19 16:50:25  CMG
Share with:

Sa virtual meeting na idinaos kahapon, Mayo 18, 2022 nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Yoshimasa Hayashi, Ministrong Panlabas ng Hapon, sinabi ni Wang, na ang bilateral na kooperasyon ng Hapon at Amerika ay hindi dapat pumukaw ng komprontasyon sa pagitan ng mga kampo, at hindi dapat makasira sa soberanya, seguridad, at interes sa pag-unlad ng Tsina.

 

Winika ito ni Wang kaugnay ng summit ng Quadrilateral Security Dialogue (Quad) sa pagitan ng Amerika, Hapon, Australya, at Indya, na idaraos sa susunod na linggo sa Tokyo.

 

Dagdag niya, bago pa man idaos ang naturang pulong, marami nang naririnig ang panig Tsino tungkol sa umano’y magkasamang paglaban ng Amerika at Hapon sa Tsina.

 

Ito aniya ay ikinababahala at mabuting pag-aaralan ng Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan