Iluluwas ng Rusya ang pagkain at pataba para harapin ang pandaigdigang krisis ng pagkain, kung kakanselahin ng mga bansang kanluranin ang sanksyon

2022-05-27 16:46:35  CMG
Share with:

Sinabi nitong Mayo 26, 2022, ni Pangulong Vladmir Putin ng Rusya na nakahanda ang kanyang bansa na iluwas ang pagkain at pataba para ibigay ang ambag sa harap ng krisis ng pagkain ng buong mundo, pero, may paunang kondisyon ito, dapat isagawa muna ang pagkansela ng mga bansang kanluranin ng sanksyon.



Samantala, ayon sa ulat ng opisyal na website ng Kremlin, sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nang araw ring iyon kay Mario Draghi, Punong Ministro ng Italy, ipinahayag ni Putin na “walang batayan” ang pagbatikos tungo sa Rusya kaugnay ng suplay ng produktong agrikultural sa pamilihang pandaigdig.


Ang kahirapan sa ngayon ay may kinalaman sa di-maayos na operasyon ng industrial chain at supply chain at patakarang pinansyal ng mga bansang kanluranin sa panahon ng pandemiya ng COVID-19, sabi ni Putin.


Salin:Sarah

Pulido:Mac