Kasama ng Long March 2F Carrier Rocket, matagumpay na inilipat, Mayo 29, 2022 sa lunsaran ng Jiuquan Satellite Launch Center sa dakong hilagang kanluran ng Tsina ang sasakyang pangkalawakang pinangalanang Shenzhou-14.
Ayon kay Huang Weifen, Punong Taga-disenyo ng Sistema ng Astronaut para sa Manned Space Project ng Tsina, dadalhin ng Shenzhou-14 ang tatlong astonaut sa Tianhe Core Module ng Space Station ng Tsina sa darating na Hunyo, at ang misyon ay tatagal ng 6 na buwan.
Sa kasalukuyan, maayos ang kalagayan ng lahat ng kagamitan sa lunsaran, at susubukin ayon sa itinakdang plano ang iba’t ibang kinauukulang gawain ng paghahanda.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio