Tianzhou-4 cargo spacecraft nasa takdang orbita na

2022-05-24 13:52:57  CMG
Share with:


Pumasok na sa itinakdang orbita ang Tianzhou-4 cargo spacecraft para dalhin ang mga supply materials sa Tiangong space station ng Tsina.


Bukod dito, kukunin ng naturang cargo spacecraft ang mga basura ng space station na mula sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga astronaut at siyentipikong mananaliksik.

Habang nakahimpil ang cargo spacecraft sa kalawakan, gagamitin din ito sa pagkontrol ng tumatakbong space station sa orbita. Ito ay para makatipid ng fuel o langis.