Inisyatiba sa World No Tobacco Day, inilabas ng mga kabataang Tsino

2022-05-30 11:46:59  CMG
Share with:

Ang Mayo 31, 2022 ay ika-35 World No Tobacco Day.

 

Sa araw na ito, iba’t-ibang aktibidad kada taon ang isinasagawa ng mga paaralan ng Tsina upang mapalaganap ang pagbabawal sa paninigarilyo.

 

Pag-aaral ng kaalaman tungkol sa pagbabawal sa paninigarilyo.

Sa pamamagitan ng mga pormang tulad ng pagpapakita ng islogan hinggil sa pagbabawal sa paninigarilyo, pag-aaral ng kaalaman tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao, at paggawa ng brochure tungkol sa pagbabawal sa paninigarilyo, itinataguyod ng mga estudyante ang pampamumuhay na “tumatanggi sa paninigarilyo para sa mababang karbong pamumuhay at malusog na panganatawan.”

 

Ayon sa mungkahing ipinalabas ng World Health Organization (WHO) sa Ika-6 na Pandaigdigang Pulong ng Paninigarilyo at Kalusugan noong 1987, naunang itinakda ang World No Tobacco Day sa Abril 7 kada taon at ipinatupad ito mula noong 1988.

 

Ngunit, mula noong 1989, binago ng WHO ang petsa ng World No Tobacco Day sa Mayo 31, isang araw bago ang International Children’s Day.

 

Layon nitong balaan ang mga kabataan at iwasan ang pinsalang dala ng tabako sa mga susunod na henerasyon.

 

Larawang iginuguhit ng mga estudyante hinggil sa malinis na mundong ligtas sa paninigarilyo.

Dito sa Tsina, mula noong 2014, ipinalabas ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina ang patalastas na humihiling na ipagbawal ang paninigarilyo sa mga paaralan sa iba’t-ibang antas at uri.

 

Islogan na “No Smoking on Campus” sa isang paaralan sa lunsod Shanghai.

Bukod pa riyan, hiniling ng nasabing ministri na itatag ang pangmalayuang sistema ng pagbabawal sa paninigarilyo para makalikha ng mainam na kapaligiran sa pag-aaral at paglaki ng mga menor de edad.


Salin: Lito

Pulido: Rhio