Bago ang Araw ng Kabataan ng Tsina: Renmin University, binisita ni Xi Jinping

2022-04-25 16:40:02  CMG
Share with:


Bago sumapit ang Araw ng Kabataan ng Tsina sa Mayo 4, 2022, binisita ngayong araw, Abril 25, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Renmin University of China sa Beijing.

 

Chinese President Xi Jinping visits Renmin University of China in Beijing, China, April 25, 2022. /Xinhua


Dinalaw ni Xi ang “intelligent classroom” para sa mga kursong ideolohikal-pampulitika, museo at aklatan para alamin ang edukasyonal na reporma at inobasyon, historikal na ebolusyon ng unibersidad, at mga nakamtan ng unibersidad sa pagtuturo at pananaliksik sa siyensiya at iba pa.

 

Pinanguluhan din ni Xi ang symposium na nilahukan ng mga guro at estudyante.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio