Kooperasyon sa iba’t ibang larangan, patuloy na isusulong ng Tsina at Niue

2022-05-30 16:42:49  CMG
Share with:

Sa kanyang virtual meeting Mayo 29, 2022, kay Punong Ministro Dalton Tagelagi ng Niue, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na suportado ng Tsina ang Niue sa pagtahak sa landas na angkop sa sariling kalagayan.

 


Ani Wang, palalakasin ng Tsina ang pakikipagkoordinasyon sa Niue para magkasamang itatag ang “Belt and Road Initiative (BRI).”

 

Pasusulungin din aniya ng Tsina ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan para matulungan ang Niue na pataasin ang kakayahan sa sustenableng pag-unlad.

 

Ipinahayag naman ni Tagelagi na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina at mahigpit na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Umaasa siyang lalo pang mapapalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan para magkasamang mapasulong ang kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan.

 

Bukod dito, nagpalitan ng palagay ang dalawang panig kaugnay ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang Pasipiko.

 

Buong pagkakaisa ring sinang-ayunan ng dalawang bansa ang pagpapasulong sa matagumpay na pagdaraos ng ikalawang pulong ng mga lider ng Tsina at mga bansang Pasipiko.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio