Wang Yi, dadalaw sa South Pacific Island countries at Timor-Leste

2022-05-25 15:26:11  CMG
Share with:

Mula Mayo 26 hanggang Hunyo 4, 2022, pormal na dadalaw si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa 8 bansang kinabibilangan ng Solomon Islands, Kiribati, Samoa, Fiji, Tonga, Vanuatu, Papua New Guinea, at Timor-Leste.

 

Isasagawa rin niya ang “virtual visit” sa Federated States of Micronesia.

 

Samantala, makikipag-usap siya sa Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Cook Islands, at Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Niue, sa pamamagitan ng video links.

 

Mangungulo si Wang sa Ika-2 China-Pacific Island Countries Foreign Ministers' Meeting sa Fiji.

 

Kaugnay nito, ipinagdiinan ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang gaganaping biyahe ni Wang Yi sa mga bansa sa  South Pacific Islands at Timor-Leste ay ibayo pang makakapagpahigpit ng pagtitiwalaang pulitikal nila ng naturang mga bansa, makakapagpasulong sa kooperasyon sa iba’t ibang larangan sa bagong antas, makakapagpasigla ng bagong lakas panulak para sa pangmatalagang pag-unlad ng bilateral na relasyon, at makakapagpatingkad ng positibong ambag para sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng Asya-Pasipiko.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac