Turkey at Ukraine, tinalakay ang pagluluwas ng pagkain

2022-05-31 17:44:35  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono nitong Mayo 30, 2022, tinalakay nina Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey at kanyang counterpart na si Volodymyr Zelensky ng Ukraine ang pagtatatag ng ligtas na corridor para sa paghahatid ng iluluwas na mga pagkain ng Ukraine sa pamamagitan ng karagatan. 



Ayon pa sa pahayag na ipinalabas ng palasyong pampanguluhan ng Turkey, iniharap ni Erdogan na magkakasamang itatag ng Rusya, Ukraine at United Nations (UN) ang isang “sentro ng pagkontrol” sa kalagayan ng Ukraine na may punong himpilan sa Istanbul. 


Salin:Sarah

Pulido: Mac