Modernong sentrong pangkomperensya na pinondohan ng Tsina, nagbibigay-serbisyo sa Zambia

2022-06-01 15:02:53  CMG
Share with:


Lusaka, Zambia—Nagsimula nang magserbisyo Martes, Mayo 31, 2022 ang Kenneth Kaunda International Conference Center na pinondohan ng Tsina.

 

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpapasinaya, taos-pusong pinasalamatan ni Pangulong Hakainde Hichilema ng Zambia ang ibinigay na suporta ng pamahalaang Tsino.

 

Aniya, sapul nang magsarili ang Zambia, ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino ang maraming tulong para sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng bansa.

 

Isinagawa ng Zambia at Tsina ang malawakang kooperasyon sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, enerhiya, abiyasyon, kalusugan, edukasyon at iba pa, at inihatid ang biyaya sa kani-kanilang mga mamamayan, dagdag niya.

 

Inimbitahan din niya ang mas maraming kompanyang Tsino na mamuhunan at magsimula ng negosyo sa Zambia.

 

Umaasa rin siyang makakapasok sa pamilihang Tsino ang mas maraming produkto ng Zambia, para isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio