Pangulo ng Zambia: Dapat aralin ng mga bansang Aprikano ang matagumpay na karanasan ng pagdaig sa karalitaan ng Tsina

2022-02-11 15:52:06  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa “2022 Presidential Greetings,” nitong Pebrero 10, 2022, ipinahayag ni Hakainde Hichilema, Pangulo ng Zambia, na nitong nakaraang ilampung taon, natamo ng Tsina at ibang bansang Asyano ang dakilang bunga ng pagdaig sa karalitaan. Malaking pinataas nito ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya dapat aralin ng mga bansang Aprikano ang leksyon dito na kinabibilangan ng Zambia.

Pangulo ng Zambia: Dapat aralin ng mga bansang Aprikano ang matagumpay na karanasan ng pagdaig sa karalitaan ng Tsina_fororder_01aprika

Saad pa niya, pinahahalagahan ng Zambia ang relasyon sa mga bansang Asyano na kinabibilangan ng Tsina. Umaasa ang Zambia na isasagawa ang mas maraming pakikipagkooperasyon sa mga bansang Asyano sa pamamagitan ng Porum ng Kooperasyon ng Asya at Aprika at iba pang mekanismo.

 

Nanawagan din si Hakainde Hichilema sa mga lider ng iba’t ibang bansa ng Aprika na dapat tumpak na pakitunguhan ang mga hamon na kinakaharap ng Aprika, at magkakasamang magsisikap para pasulungin ang kaunlaran, katatagan at kaligtasan ng iba’t ibang bansang Aprikano.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method