Buhay sa mga gulong: Maikling kuwento ng bisikleta sa Tsina

2022-06-02 15:51:07  CMG
Share with:

Noong Biyernes, Hunyo 3, 2022 ay World Bicycle Day.

 


May malapit na koneksyon ang mga Tsino sa bisikleta.

 


Noong dekada 70 hanggang 80, ito ang pangunahing sasakyan sa bansa.

 


Sa panahong iyon, araw-araw na makikita ang mga Tsino sakay ang kanilang mga bisikleta habang papasok at paglabas sa trabaho.

 


Pero simula noong dekada 90 hanggang sa unang dako ng kasalukuyang siglo, unti-unting bumaba ang bilang ng mga bisikleta, kasabay ng paglaganap ng mga kotse.

 


Nitong nakalipas na halos 10 taon, dahil sa pagkamulat ng mga mamamayan sa pangangalaga sa kapaligiran at pagpapanatili ng magandang kalusugan, ang bisikleta ay siya na ngayong nagsisilbing isa sa mga palatandaan ng mababang karbong pamumuhay.

 


Salin: Vera

 

Pulido: Rhio