Sa pamamagitan ng video link, idinaos kamakalawa, Abril 29, 2022, ang seremonya ng inagurasyon ng Vientiane Saysettha Low-Carbon Demonstration Zone na magkasamang itatayo ng Tsina at Laos.
Ito ay palatandaan sa bagong yugto ng kooperasyon ng dalawang bansa sa pagharap sa pagbabago ng klima sa ilalim ng balangkas ng South-South Cooperation.
Matatagpuan sa Vientiane, kabisera ng Laos, ang naturang sona ay may saklaw ng 11.5 kilometro kuwadrado. Ito ay magiging isang industrial park at bagong bayan ng Vientiane, at magtatampok ito sa paggamit ng mga teknolohiya ng low-carbon.
Halos 5 bilyong US Dollar ang binabalak na pamumuhunan sa proyektong ito.
Editor: Liu Kai