Suman na hugis pluma

2022-06-02 16:04:08  CMG
Share with:

Idaraos sa Biyernes, Hunyo 3, 2022 ang Pestibal ng Duanwu, o tinatawag ding Dragon Boat Festival – isa sa 4 na pangunahing tradisyonal na kapistahan ng Tsina.

 


Ilang araw pagkatapos ng kapistahang ito, sasalubungin ng mga estudyanteng nasa 3rd year high school ang National College Entrance Examination.

 


Ang pagkain ng Zongzi, o suman na hugis trianggulo ay isa sa mga tradisyon sa Pestibal ng Duanwu.

 

Upang maging suwerte sa eksamen, ang mga magulang ay gumawa ng mga suman na hugis pluma.

 


Ang ganitong suman ay pinangalanang “bi zong,” na katunog ng salitang Tsino na nangangahulugang “tiyak na makakapasa sa eksamen.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio