Rosang Tsino, Reyna ng mga Bulaklak

2022-06-03 10:49:53  CMG
Share with:


Isang ibon habang dumadapo sa bulaklak na Yue Ji

 

Ang 月季(yuè jì) na kilala sa Ingles bilang Chinese Rose ay tinaguriang Reyna ng mga Bulaklak.

 

Ang pagtatanim nito sa Tsina ay may mahigit 2,000 taong kasaysayan.

  

Mahaba ang panahon ng pamumukadkad ng Yue Ji na kadalasang tumatagal mula Abril hanggang Setyembre.

 

Dahil sa taglay nitong kagandahan at samut saring uri, ito ay kinagigiliwan ng mga tao.


Samut saring Yue Ji

 

Noong ika-18 siglo, ang Yue Ji ay pumasok sa Europa, sa pamamagitan ng India.

 

Inihalo ng mga Europeo ang Yue Ji sa mga katutubong rosa, at pinarami ang mga bagong uri.

 

Sapul noon, malawak nang itinatanim ang magagandang bulaklak na ito sa buong mundo.

 

Ang ugat, dahon at bulaklak ng Yue Ji ay maaaring gawing Tradisyonal na Gamot Tsino.

 

Nakakatulong ang mga ito sa sirkulasyon ng dugo, pagpawi ng pamamaga, at pagbabawas ng init sa loob ng katawan ng tao.

 

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Larawan: IC/CFP