Diyosa ng Bulaklak ng Mayo: Chinese herbaceous peony

2022-05-21 11:12:37  CMG
Share with:



 

Ang 芍药(Shao Yaosa wikang Tsino na kilala sa Ingles bilang Chinese herbaceous peony ay tinaguriang Diyosa ng Bulaklak ng Mayo sa Tsina.


 

Ang Shao Yao, bilang katutubong halaman sa Tsina ay may 4,000 taong kasaysayan ng pagtatanim. Itinuturing itong isa sa anim na pinakakahanga-hangang bulaklak sa bansa.  

 

Ang Shao Yao na kadalasang namumukadkad sa Mayo ay simbolo rin ng pag-ibig at pagmamahal.


Samu't saring Shao Yao na naggagandahan


 

Sa Ang Libro ng mga Awitin, unang koleksyon ng mga tula at awitin na inilathala mahigit 2,000 taon na ang nakakaraan ay may awitin hinggil sa pagpapalitan ng bulaklak na Shao Yao kung iisa ang tibok ng puso ng dalaga at binata.

 

Inilarawan at ipinahayag din ng mga makata ng sinaunang Tsina ang kani-kanilang paghanga at pag-ibig sa Shao Yao. Kabilang dito sina Su Shi at Jiang Kui, dalawang bantog na makata sa Dinastiyang Song (960 AD1279 AD).

 

Mahalaga at magagamit ang bawat bahagi ng Shao Yao. Ang bulaklak nito ay masarap pagmasdan at langhapin ang halimuyak. Ang ugat nito ay magamit bilang gamot. Ang buto nitong naglalaman ng 25% langis ay magamit sa paggawa ng sabon. Ang pinatuyong talulot naman nito ay sangkap ng tsaa at mga pampaganda.


 

Ayon sa Tradisyonal na Gamot Tsino (Traditonal Chinese Medicine), ang bulaklak na Shao Yao ay nakakabuti sa dugo, atay, puso, baga, at balat. Nakakatulong din ito sa pagbabawas ng init, at pagpapasigla ng katawan.

 

Narito ang simpleng paraan ng pagtimpla ng tsaang Shao Yao.


 

Una, ilagay ang pinatuyong bulaklak na Shao Yao sa lalagyan. Ang dami ay depende sa inyong kagustuhan.

 

Pangalawa, ibabad ng mga 10 minuto sa mainit na tubig. Pagkatapos ito ay maaari nang higupin.

 

Pangatlo, puwede rin ninyong timplahan ng pulang asukal o pulot-pukyutan.




Salin/Patnugot: Jade

Pulido: Mac 

Larawan: CFP