Buod ng buhay ng punong tagadisenyo ng Manned Space Program ng Tsina: “pananaliksik sa rocket, paghahatid ng satelayt sa kalawakan, at pagdadala ng Tsino sa kalawakan.”

2022-06-06 16:22:28  CMG
Share with:

Sakay ng Shenzhou 5, lumunsad sa kalawakan, Oktubre 15, 2003 si Yang Liwei, Astronaut ng Tsina.

 

Ito ay pagsasakatuparan sa pangarap ng nasyong Tsino na lumipad sa kalawakan.

 

Noong taong iyon, 71 taong gulang na si Wang Yongzhi, Punong Tagadisenyo ng Manned Space Program ng Tsina, at 42 taon na siyang nagtatrabaho sa larangang ito.


Si Wang Yongzhi


Ani Wang, mailalarawan sa ilang salita ang kanyang mahabang panahong pagtatrabaho sa Manned Space Program ng Tsina: Tatlong bagay lamang ang ginawa ko sa buong buhay ko: pananaliksik sa rocket, paghahatid ng satelayt sa kalawakan, at pagdadala ng Tsino sa kalawakan.

 

Isinilang si Wang Yongzhi noong 1932 sa nayong Changtu, lalawigang Liaoning sa dakong hilagang silangan ng Tsina.

 

Noong 1955, pumasok siya sa Tsinghua University at nag-major sa kursong Aerospace Engineering.

 

Tapos, pumunta siya sa Unyong Sobyet upang ituloy ang kanyang pag-aaral sa siyensiya ng rocket.

 

Noong dekada 80, nanungkulan si Wang bilang Puno ng China Academy of Launch Vehicle Technology (CALT), at pinasulong ang pag-a-upgrade ng teknolohiya ng carrier rocket.

 

Sa kanyang pamumuno, matagumpay na ginawa ng CALT noong 1992 ang Long March 2E, na nagsakatuparan ng malalaking breakthrough sa usapin ng carrier rocket ng Tsina.

 

Ito ang naglatag ng matibay na pundasyon para sa susunod na pananaliksik at pagpoprodyus ng manned spaceship.

 

Dahil dito, hinirang si Wang Yongzhi bilang Punong Tagadisenyo ng Manned Space Program ng Tsina.

 

Kahit 60 taong gulang na noong panahong iyon, pakiramdam ni Wang na taglay pa rin niya ang sigla ng isang batang lalaki.

 

Aniya, Tiyak na maisasagawa ko ang misyong ito!

 

Hanggang sa kasalukuyan, tuloy pa rin niyang ginagampanan ang tungkulin sa bayan.

 

Para kay Wang Yongzhi, ang patuloy na pagtatrabahi ay pagmamahal sa bansa.

 

Sa usaping pangkalawakan, kailangan ang napakalaking pagsisikap: dapat isipin ang bansa, at isipin ang daigdig; dapat maging responsable para sa bansa, para sa mga mamamayan, at para sa kasaysayan, dagdag niya pa.

 

Salin:Sarah  

Pulido:Rhio