Mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site, Lalawigang Hainan, matagumpay na inilunsad Biyernes, Marso 12, 2021 ng Tsina ang Long March-7A Y2 carrier rocket.
Ang nasabing carrier rocket ay bagong henerasyon ng Long March-7A rocket, at ipinadala nito ang isang experimental satellite sa nakatakdang orbita.
Ang naturang experimental satellite ay gagamitin para sa in-orbit tests ng mga bagong teknolohiya na gaya ng pagmomonitor sa kapaligiran ng kalawakan.
Ito ang ika-362 misyon ng paglipad ng Long March rocket series.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Photo Source: China Aerospace Science & Industry Corporation
Tsina at Rusya, lumagda sa MOU hinggil sa pandaigdigang istasyon ng pananaliksik sa Buwan
Tianwen-1 ng Tsina, nakatakdang bumago ng trayektorya palibot ng Mars
Unang Mars probe ng Tsina, pumasok sa orbita ng planetang pula
Pinoy scholars: Misyong pangkalawakan ng Tsina, mahalaga sa ikinabubuti ng pamumuhay ng mga tao