Pangalawang chancellor ng Alemanya: mahirap na Taglagas at Taglamig, maaaring kaharapin ng bansa

2022-06-12 13:27:18  CRI
Share with:

Sinabi kamakailan si Robert Habeck, Pangalawang Chancellor at Ministro ng Kabuhayan at Pangangalaga sa Klima ng Alemanya, na dahil sa sobrang pagtaas ng presyo ng enerhiya, dapat paghandaan ng mga mamamayang Aleman ang pagdating ng mahirap na Taglagas at Taglamig sa kasalukuyang taon.

 

Sanhi ng sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine at mga ipinapataw na sangsyon laban sa Rusya, nagiging mataas ang presyo ng enerhiya sa buong mundo.

 

Apektado rin nito ang Alemanya na malaking nakadepende sa enerhiyang nagmumula sa Rusya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio