Situwasyon ng Ukraine, pinag-usapan ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Alemanya

2022-02-27 14:51:51  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono nitong Sabado, Pebrero 26, 2022 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Annalena Baerbock, Ministrong Panlabas ng Alemanya at nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa kasalukuyang situwasyon sa Ukraine.

Ipinahayag ni Wang na lubos na sinusubaybayan ng panig Tsino ang pagbabago ng situwasyon sa Ukraine.

Kinakatigan aniya ng panig Tsino ang lahat ng pagsisikap na nakakatulong sa pagpapahupa ng nasabing situwasyon at nagsusulong ng kalutasang pulitikal.

Kaugnay ng isyu ng kaligtasan ng Europa, ani Wang, dapat pahalagahan ang makatuwirang pagkabahala ng iba’t-ibang bansa.

Sinabi ni Wang na dahil sa 5 beses nang sunud-sunod na pagpapalawak ng impluwensya  ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) papuntang silangan, dapat maayos na seryosong tingnan  ang makatuwirang apela ng Rusya.

Hindi aniya sumasang-ayon ang panig Tsino sa paglutas sa situwasyon sa  Ukraine  sa pamamagitan ng sangsyon, at tinututulan ng Tsina ang anumang unilateral na sangsyong hindi nakabatay sa  pandaigdigang batas.

Patuloy na patitingkarin ng panig Tsino ang konstruktibong papel sa paghahanap ng kapayapaan at pagsasakatuparan ng kapayapaan, dagdag pa ni Wang.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method