Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa probinsyang Sichuan, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kailangang determinadong ipatupad ang atas sa pagsasa-ayos ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), igiit ang pangkalahatang plano ng gawain, komprehensibo at tumpak na ipatupad ang bagong ideyang pangkaunlaran, aktibong maglingkod at makisangkot sa bagong kayariang pangkaunlaran, isaayos ang pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pag-unlad ng kabuhayan at lipinan, at panatilihin ang matatag na pag-unlad ng kabuhayan at katatagang panlipunan upang buong sikap na mapasulong ang pag-unlad ng probinsyang Sichuan.
Ito aniya ay para komprehensibong maitayo ang modernong bansang sosyalista, at salubungin ang matagumpay na pagdaraos ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Noong Hunyo 8, 2022, magkakasunod na pumunta si Pangulong Xi sa lunsod Meishan at Yibin ng probinsyang Sichuan para maglakbay-suri sa kanayunan, paaralan, at mga bahay-kalakal.
Salin: Lito
Pulido: Rhio