Xi Jinping, naglakbay-suri sa Yibin sa timog kanlurang Tsina

2022-06-09 22:39:06  CMG
Share with:

Naglakbay-suri kahapon, Hunyo 8, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa lunsod Yibin, lalawigang Sichuan sa timog kanlurang bahagi ng bansa.

 

Bumisita siya sa Sanjiangkou, kung saan umaagos ang Ilog Jinsha at Ilog Minjiang sa Yangtze River; Yibin University, kung saan idinaos ang isang job fair para sa mga graduate student; at XGIMI optoelectronic company na gumagawa ng mga laser television at intelligent projector.

 

Sa mga lugar na ito, inalam ni Xi ang tungkol sa ekolohikal na restorasyon at proteksyon sa kahabaan ng Yangtze River, paghahanapbuhay ng mga college graduate, at nagsasariling inobasyon ng mga bahay-kalakal.



Editor: Liu Kai