Sa 4 na araw na Ika-12 Komperensyang Ministeryal (MC12) ng World Trade Organization (WTO) na idinaos Hunyo 12, 2022 sa Geneva, Switzerland, tinalakay ng mga miyembro ang TRIPS (Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights) waivers para sa bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagharap sa pandemiya ng COVID-19, at subsidiya sa pangingisda, agrikultura, kaligtasan ng pagkain, reporma ng WTO at iba pang mahalagang tema.
Ipinahayag ni Ngozi Okonjo-Iweala, Direktor Heneral ng WTO, na buo na ang panukala para sa naturang mga tema, at inaasahan niyang mararating ang mas maraming bunga sa komperensyang ito.
Ipinahayag naman ni Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ipagpapatuloy ng kanyang bansa ang pangangalaga sa sistema ng multilateral na kalakalan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Aniya, suportado ng Tsina ang pagsusulong ng reporma ng WTO tungo sa tumpak na direksyon.
Dapat palakasin ng reporma ang mga pungsyon ng WTO at pasulungin ang globalisasyon ng ekonomiya, para magdulot ng benepisyo sa lahat ng miyembro, diin niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio