Kaugnay ng Ika-12 Kumperensyang Ministeriyal (MC12) ng World Trade Organization (WTO) na idaraos mula Hunyo 12 hanggang 15, 2022, sa Geneva, Switzerland, ipinahayag nitong Hunyo 9, 2022, sa preskon, ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Minsitri ng Komersyo ng Tsina, na aktibong lalahok ang Tsina sa MC12, susuportahan ang pag-unlad ng reporma ng WTO tungo sa tumpak na direksyon, susuportahan ang pag-unlad ng sistema ng multilateral na kalakalan at lehitimong karapatan ng mga umuunlad na miyembro ng WTO. Aniya pa, buong tatag na pangangalagaan ang tunay na multilateralismo at katayuan ng pangunahing tsanel ng sistema ng multilateral na kalakalan na itinakda ng pandaigdigang regulasyon.
Pasusulungin din, saad niya, ang pagtatamo ng MC12 ng positibo at aktuwal na bunga, para patingkarin ng WTO ang mas malaking papel sa pagharap ng hamong pandaigdig, at pagsulong ng pagbangon ng kabuhayan pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Salin:Sarah
Pulido:Mac