Inisyal na resulta ng pamparliamentong halalan ng Pransya, inilabas

2022-06-13 17:36:54  CMG
Share with:

Ayon sa inisyal na resulta ng unang round ng pamparliamentong halalan na ipinalabas kagabi, Hunyo 12, 2022 ng Ministri ng Interyor ng Pransya, mga isang-kapat na boto ang nakuha ng Centrist Alliance na pinamumunuan ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, samantalang mga isang-kapat na boto rin ang nakamit ng left-wing alliance na New Ecologic and Social People's Union (NUPES).

 

Ayon sa estadistika, mahigit sa kalahati ang abstensyon sa nasabing botohan.

 

Kilala rin bilang halalang lehislatibo, ang pamparliamentong halalan ng Pransya ay makaka-apekto sa paghirang sa bagong punong ministro at pagbuo ng gabinete ng bansa.

Salin:Sarah

Pulido:Rhio